PAREHO kaming walang imikan ni William habang sakay na ng chopper pabalik na ng Isla. Hindi na niya ako pinansin pa o kinausap, at hindi rin naman ako umimik sa kanya. Kaya para tuloy kaming stranger na hindi magkakilala. Pagbalik namin ng Isla ay maraming mga paper bags at naglalakihang kahon ang mga nagkalat sa sala. Tingin ko ay mga groceries ang laman. Pumasok na lang ako ng kuwarto ko at nagpahinga sa loob. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak tuwing naaalala na buntis ako at si William ang ama. Ang saklap lang, hindi ko yata matanggap na nabuntis niya ako. Ngayon tuloy ay mas lalo akong naguluhan, mas lalong natakot, at higit sa lahat ay hindi na alam ang gagawin. Ngayon ay mag-isa lang akong nakahiga sa kama rito sa kuwarto ko. I was so sad and hurt. Hindi ko mapigilan ang i