Sa lakas ng sampal ay parang nahilo na naman ako at muntik pang matumba sa aking kinatatayuan. Hindi lang sana sampal ang ibibigay sa akin ng lalaki, dahil kumuyom pa ang kamao nito at sisikmuraan na sana ako, pero biglang sinalo ng kamay ni William ang kamao nito bago pa tumama sa tiyan ko. “Let me just kill her; ako na ang bahalang tumapos sa kanya,” William said. Aangal pa sana ang matandang lalaki, pero tumunog naman bigla ang phone nito. “Yes, son?” He answered the phone call. Pero nang marinig ang sinabi ng kabilang linya ay napatingin ito pabalik sa akin na para bang hindi makapaniwala. “She's your son's beloved girlfriend,” mapaklang sagot ni William sa nagtatanong na mukha ng matanda. Napangisi naman ang matanda sa narinig kasabay ng muling pagbangis ng mukha nito. “Napakali