HINDI ko mapigilan ang madismaya at maiyak sa inis dahil sa pagharang sa akin ng lalaking naka-motorcycle na siyang kaibigan pala ni William. I was so disappointed and pissed. Wala akong nagawa kundi ang bumaba ng kotse at umangkas sa motorcycle dahil sa takot na baka barilin nga ako ng lalaki dahil mukhang hindi ito nagbibiro sa babala na babarilin ako oras na hindi ako bumaba at umangkas sa kanya. Nagmakaawa pa ako sa lalaki na huwag niya na lang akong ibalik kay William dahil siguradong papatayin na ako nito. Pero para lang akong nagmakaawa sa bato, nasayang lang ang luha ko sa pag-iyak at pagmamakaawa, dahil isang nakakalokong ngisi lang ang binigay sa akin ng lalaki na Gabriel ang pangalan. Parang natuwa pa ito sa pag-iyak ko at pagmamakaawa sa kanya, ni hindi man lang nakaramdam n