Hindi ako gumalaw o rumesponde habang hinahalikan niya ang labi ko. Hanggang sa binaba niya na ang kanyang halik papunta sa leeg ko at naging malikot na ang kanyang kamay sa katawan ko. Iniwas ko na lang ang tingin ko, pinilit kong hindi tumingin sa kanyang mukha para hindi masalubong ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay hinubad niya na lahat ng saplot sa katawan ko. Hinayaan ko pa rin siya at hindi ako pumalag o nagreklamo, dahil alam kong kapag gagawin ko 'yun ay may posibilidad na magalit siya sa akin at siguradong pag-iinitan na naman niya ako. Kaya ayos lang kahit angkinin pa niya ang katawan ko nang paulit-ulit ngayong gabi; wala na rin naman akong dapat pang ingatan dahil naibigay ko na rin naman sa kanya sa unang pagkakataon, katunayan ay buntis na ako. Ang saklap lang dahil m