DUMATING kami ni Eros sa walang katao-taong park dahil katanghalian at kasagsagan ng init ng araw. Pagkababa ng motor at alis ng helmet ay agad akong niyakap ni Eros ng mahigpit. “I missed you so much!” he said emotionally as he hugged me tightly. Yumakap din ako ng mahigpit sa kanya at hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa kanyang dibdib. I've missed him too... so much. Matapos akong yakapan ng mahigit ay agad na hinawakan ni Eros ang mukha ko, ikinulong sa kanyang malapad na mga kamay at may pag-aalala na akong tiningnan. “Tell me what happened. Anong ginawa sa 'yo ni tito? Sinaktan ka ba niya?” he asked me worriedly as he wiped my tears softly. Naiiyak naman akong tumango. “Yes, he did hurt me. Sinampal niya ako at… at n-nilatigo pa ng belt ng ilang ulit!” sumbong ko na sinabayan n