"Nalulungkot ako, Kob." Hininto ni Kobie ang kotse sa tabi ng daan at tinitigan niya ako diretso sa aking mga mata. Nakuha ko kaagad ang kaniyang pananahimik, hinihintay akong magpatuloy sa aking sasabihin. Kanina ko pa hindi mapigilan ang sariling isipin si Axel. Nagi-guilty ako sa mga nangyari. Hindi naman siya aatras sa kasal kung hindi dahil sa akin. Ako talaga ang may mali at pinaasa ko lang siya. I love him but I love this man beside me. Halos wala na akong ginawa kundi ang matulala. Hindi ko mapigilan ang sariling alalahanin si Axel dahil kahit papaano ay nag-aalala rin naman ako sa kaniya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Umuwi na kaya siya sa kanila? “I know you're worried.” "Masaya ako dahil nandito ka ngayon sa tabi ko, Kobie," paliwanag ko sa kaniya at ayaw ko ring

