Maraming nakasunod sa amin na mga tao kabilang na roon ang mga nagtatrabaho sa media, pero kahit ganoon pa man ay wala siyang pakialam. Dire-diretso lang ang pagpapatakbo niya ng kotse matapos niyang makitang maayos akong nakasakay sa shotgun seat. At sinubukan rin ni Axel ang buo niyang makakaya para hindi kami masundan. Ang dami kong tanong sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin o kung ano ba ang plano niya. Nang ihinto ni Axel ang kotse, napansin ko ang pamilyar na lugar. "Dito sa lugar na 'to, dito ko siya sinagot," tangi kong sabi sa aking sarili. "Ano'ng ibig sabihin nito, Axel? Bakit mo ako dinala rito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya at sa mga oras na ito ay mas kalmado na siya. "Dahlia...." Buntonghininga hininga siya

