Nanginginig ang buong katawan ko ng makarating na ako sa tapat ng simbahan. Mag-isa lang akong hinatid ng driver na parang pipi dahil hindi naman ito nagsasalita. Kanina pa ito walang kibo at kahit na konting hangin ay wala akong narinig mula sa kaniyang bibig. Mula pa kanina at kahit isang beses ay hindi man lang ito nagtangkang kausapin ako. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan dahil wala man lang akong makausap habang tumatakbo ang sasakyan. Seryoso lang itong nagmamaneho sa kulay puting sasakyan at ang harapan ay may nakalagay na isang pongpong ng bulaklak. Pinaghalo ang kulay puti at kulay dilaw na rosas. Mayroon ding ribbon at kahit na sino man ang makakakita ng sasakyan, mahuhulaan na kaagad na ikakasal ang nakasakay sa loob ng kotse. Kinalma ko ang aking sarili. Napi-

