Inalala ko kung gaano kami kasaya ni Axel noon kasama si Tita at ang buo niyang pamilya. Ang lambing ng Mommy niya sa akin at para na akong sariling anak ni Tita. Hindi nila ako kailanman itinuring na iba at hindi rin ako hinusgahan. Wala silang pakialam sa naging nakaraan ko dahil wala ng ibang mahalaga sa kanila kundi ang kaligayahan ni Axel. Nakakagaan sa pakiramdam sa tuwing naiisip ko kung gaano ako ka-welcome sa pamilya nila. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit hindi ko na magawang ngumiti ngayon sa harap ni Tita. Ngayon pa kung kailan ikakasal na kami ng anak niya. Sana lang ay hindi niya nahalata kanina. Ang hirap-hirap. Dati naman ay abot tenga ang ngiti ko kapag nandiyan siya. Kahit gaano rin ka ganda ang paligid ay hindi ko na magawang purihin ito dahil abala ako s

