Habang inaalala ko ang matagal na nakaraan. Para akong tinakasan ng mga salita at mas gusto na lang tumakbo papalayo sa mga problema. Pero ito na siguro ang tamang panahon para masabi ko sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin. Tutal naman ay mukha namang wala talaga siyang balak na pagbigyan ako at lubayan. Ang dami kong sana noon pero noong mga panahon na iyon ay tila wala siyang pinanghihinayangan. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko deserve na mahalin. Nagagalit ako lalo sa kaniya dahil sa kabila ng inalay kong pagmamahal sa kanya noon, ito pa ang naging resulta. Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Kaya ano ang inaasahan niya ngayon sa akin? Na maging malambot ako sa kaniya! Hindi yan mangyayari! Inangat ko ang kamay ko at ginamit ko iyon para tanggalin ang kamay n

