NAGISING ang mama ni Rain dahil sa pagtunog ng kaniyang cellphone. Nakaidlip na rin sana siya sa sofa. Kinuha niya mula sa mesita ang cellphone at sinagot nang malamang si Kaiden ang tumatawag. “Kai! Ano’ng nangyari?” eksaheradong tanong niya. “Calm down, Rain,” sabi nito. “Okay. Hindi ko mapigilang mag-alala. Kumusta si Cathy?” “Huwag mo na siyang kumustahin. Dahil sa ginawa niya, pinamulta ko siya sa halagang nasira sa boutique. Ikinulong din siya ng mga pulis pero nakapiyansa kaagad.” “Ano? Baka mamaya niyan may mas malala pa siyang gagawin.” “Under monitoring na siya. Ang problema, nag-post siya sa social media.” Sinalakay na siya ng nerbiyos. “A-Ano ang nai-post niya?” “She stated that I fired her because I’m afraid to reveal my secrets. Sinabi niya na may relasyon tayo. Gumaw