“RAIN, takbo!” sigaw ni Anjo. Napapiksi si Rain at nataranta nang makitang nakipagbuno ng baril si Anjo sa lalaki. And she got courage to punch Dion’s face. Tinuhod din niya ito sa pagkal*laki kaya siya nakatakbo. Bumagal lang ang kilos niya nang papasok na siya sa ospital. Ngunit dahil sa nerbiyos, pagod, umikot ang paningin niya. Natanggal na ang kaniyang wig. “Rain!” tinig ni Kaiden. Ngunit bago pa niya ito makita ay tuluyang nailim ang kaniyang paningin at tuluyang nakalimot. GINISING si Rain ng amoy ng ulam. Nagmulat siya ng mga mata at inikot ng tingin ang paligid. Magarang silid ang kinaroroonan niya, malambot ang kaniyang hinihigaan. Nang makahugot ng lakas ay kumilos siya at umupo. Nasipat niya ang pagkaing nasa mesita, umuusok pa. Hindi siya pamilyar sa kuwarto kaya natiti