UMAGA na nang makalapag ang eroplano sa distinasyon nila. Nakapag-almusal pa sila bago bumiyahe patungong hotel. Kinabukasan pa ang events kaya may chance silang magpahinga. Nakiusap si Rain kay Sasha na share na lang sila sa hotel room pero biglang sumingit si Kaiden sa usapan nila pagdating ng lobby ng hotel. “You’re not staying here, Rain. Dad wanted us to stay at the beach house,” anito. Inalala na lang niya si Lucio. “Fine!” aniya saka nagpaalam kay Sasha. “See you tomorrow at the main office, Rain,” ani Sasha. Kinuha ng isang bodyguard ang maleta niya at isinakay sa kararating na kotseng sundo nila. Dalawang sasakyan ang dumating, ang isa para sa bodyguards at escort at translator na rin ni Lucio, si Emir, isang Turkish-Filipino. In fairness, artistahin din ito, six footer with b