40 – Preparing Damian’s Point of View “Kumpirmado, boss. Si Hector nga ang nasa likod ng pagtakbo ni Congressman Teodoro,” report sa akin ni Spade nang makapasok ako sa study room. “Tama ang hinala natin, boss. Ginagamit nga ni Hectos si Congressman para mapanatili ang kontrol niya sa bayan ng La Soridad.” Naikuyom ko ang kamay ko sa narinig. “Kailan n’yo lang ‘to nalaman?” “Kanina lang na-confirm ni Diamond, boss,” sagot naman ni Club. “Pero matagal na niyang minamanmanan si Congressman. Nitong nakaraan lang talaga siya nagkaroon ng pagkakataon na makalapit dito.” “Makalapit?” kunot-noong tanong ko. “Nagpanggap siyang escort, boss,” paglilinaw ni Spade, dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko. “Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na ‘wag kayong gagawa ng bagay na maaaring ikapahamak