39 – Pieces Arabella’s Point of View ‘Nakakapagod na, pero kinakaya ko pa naman.’ Nakadapa ako ngayon sa kama at kasalukuyang ka-text si Lucas. And as usual, nagra-rant na naman siya tungkol sa preparations nila sa darating na eleksyon. Ilang linggo na lang kasi at magsisimula na ang campaign period ng mga tatakbo sa halalan. Iyon din ang rason kung bakit halos wala na sa bahay si Uncle Damian at si Spade. It’s been more than two months since I rejected Lucas, and ever since that day, we became really good friends. Although sa text and call lang kami usually nag-uusap at paminsan-minsan sa personal kapag nakaka-attend siya ng klase university. Hindi na rin lingid sa kaalaman ni Uncle ang tungkol sa pagkakaibigan namin ni Lucas. I told him about it and assured him that he had nothing