41 – Official Arabella’s Point of View Hindi ko mapibilang mapabuntong-hininga habang nakadungaw sa bintana ng classroom. Ilang araw na kaming walang maayos na komunikasyon ni Damian dahil masyado na siyang abala sa paparating na campaign period bukas. Maging si Lucas ay wala na ring paramdam sa akin dahil abala na rin siya sa mga ginagawa niya. Maingay na rin ang pangalan nilang dalawa maging sa loob ng university. “Sino sa tingin mo ang mananalo, Ara?” tanong sa akin ni Amber. “Kung pagwapuhan lang, sigurado akong tabla.” “Mas gwapo ang uncle ko,” pagtatama ko sa kanya at ngumisi. “At kung sa leadership naman, doon siguro sila tabla.” “Bias ka naman, eh,” aniya at ngumuso. “Dapat objective ang statement mo; hindi subjective.” “Well, that’s the nature of an opinion,” tugon ko saka