42 – The First Warning Arabella’s Point of View Habang papunta ako sa university ay sandamakmak na mga sasakyan na may mga speaker ang nakasalubong namin. Kanya-kanya silang patugtog ng mga campaign jingles ng mga kandidato. Opisyal na kasing nagsimula ang campaign period. Hindi lang jingles ang naglipana kundi pati na rin posters at iba pang campaign materials ng mga kandidato. Pero sa lahat ng mga jingle na narinig ko; sa lahat ng mga poster na nakita ko, isa lang talaga ang nagustuhan ko—kay Damian. Siyempre, all out support ako sa boyfriend ko. Kung pwede nga lang sumama sa mga campaign rallies nila, ginawa ko na, eh. Kaso hindi. Ayaw niya. He doesn’t want me to get involved with his political life. And I think I know the reason. He probably doesn’t want the masses to know me as h