43 – Paalam Nagising si Arabella na nakatali ang kamay at paa at may busal ang bibig. Nakasandal siya sa upuan sa likurang bahagi ng van at napapagitnaan ng dalawang lalaking nakasuot ng itim na maskara na tanging mga mata at bibig lang ang makikita. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Iginala niya ang kanyang mga mata at wala siyang ibang makita kundi kadiliman. Hindi niya alam kung nasaan sila. Hindi niya alam kung sino ang mga dumukot sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng mga ito sa kanya. Pero isa lang ang sigurado siya—nasa panganib ang buhay niya. “Mmm!” Gumawa siya ng ingay at sumubok na magpumiglas. “Mmm!” Iginala niya ang mga mata para hagilapin si Amber. Sa pagkakatanda niya ay dalawa silang dinukot. Pero b