Chapter 23

1146 Words
Chapter 23 “PAANO ako makakatulong?” Tanong ko sa kanila, all of a sudden bigla akong nagka-interes tungkol sa sinabi nila, parang hindi sila makapaniwala at pare-parehas silang napasulyap sa ‘kin. “Sigurado ka ba dyan?” Tanong nong batang babae. “Bakit hindi…kayo na ang nagsabing may koneksyon ako sa kanila? Kung may maitutulong ako bakit hindi, ayokong gumugulo sila sa ‘kin sa tuwing gabi sa panaginip,” wika ko. Bahagya silang nagulat, “napapaginipan mo sila?” Takang tanong nong bata ngunit umiling siya, “pero sa tingin ko hindi tayo papayagan.” Napakunot ako, “bakit?” “Hindi bakit, sino…” Pagtatama nong bata. Saka ko lang naalala si Kalen at bahagya akong napasulyap kay Mare. Mukhang wala nga silang ideya, umiling si Mare na huwag akong magpapahalata na may alam sa relasyon nilang dalawa. “Pero wala naman si alpha ngayon, may iba rin silang inaasikaso kasama ang tribo ng Mentak, baka pwede natin siyang masama sa imbestigasyon baka mapadali ang lahat,” dagdag pa nito. “Sige, kaya kong sumama, hindi naman malalaman ni Kalen kung walang magsasabi,” pagpupumilit ko. Madali naman akong kausap lalo na kung gusto ko, sinama nila ako sa ginagawa nila sa isang silid kung saan may iba pa silang kasama na halos hindi nagkakalayo ang edad, bahagyang madilim ang silid, nakasara ang bintana at pati na rin ang itim na kurtina. Malamig sa silid, may ilang nakasuot ng itim na cloak, nagkalat ang mga naglalakihan o kaya’y maliit na kandilang itim, nagtataka ang ilan kung bakit ako narito at nararamdaman ko ang awkwardness sa paligid. Sa gitna may hugis bilog doon na ginamitan ng asin, nang malapitan ko ito saka ko lang nalaman na pentagram, hindi lang isa dahil nagkalat ang mga iba’t ibang hugis na hindi ko maintindihan, ginuhit gamit ang mga asin. “Para saan ang mga ito?” Tanong ko sa bata. “Para sa ritwal, kung nasa malapit lang ang medium para mahanap sila ikaw na lang muna ang gagamitin namin para kumonekta at mapatuloy ang imbestigasyon. Kung hindi kasi matatapos ito baka sumingit ang konseho sa problema ng mga tribo o pack at walang pack ang gustong makarating ang problema nila sa konseho,” kung paano niya ipaliwanag parang mas malakas pa ang konseho sa lahat kesa sa kanila. “Ako nga pala si Mia, binibini,” pakilala niya. Tumango na lamang ako, muli akong napasulyap sa malaking bilog nang isa-isang kosang nagsindihan ang mga kandila sa silid, bigla na lang pumintig ng malakas ang puso ko at biglang napaisip kung tama ba itong gagawin ko. “Sigurado ka na ba?” Tanong nang babaeng naka-choker kay Mia. “Oo naman, Catherine, siguradong-sigurado, kailangan na nating matapos ito bago pa man sila makakuha ng ikaanim na biktima kung sino man sila na nanggugulo sa teritoryo ng mga Langston,” wika ni Mia. Lumapit si Mare sa ‘kin, “wala nang bawian kaya kung kaya mo pang umatras gawin muna ngayon pa hangga’t maaga pa.” “Sigurado ako, Mare,” pag-uulit ko, masyado bang mahina ang tingin nila sa ‘kin. Lumapit si Mia sa ‘kin saka may inabot na kulay itim na chalice, pagsilip ko roon may kung anong itim na likido at hindi ko maaninag ng maayos. “Ano yan?” Nakangiwi kong tanong saka ko naman kinuha. “Inumin mo para makabalik ka pa rin ng ligtas dito,” paalala ni Mia. Natatakot ako kung anong malalasahan ko pag ininum ko ito, napalunok ako at dahan-dahan dinampi ang chalice sa labi ko. Naramdaman ng labi ko ang malapot at malamig na laman nito. Nalasahan ng dila ko ang kakaibang lasa nito na may halong pait, nilagok ko lahat hanggang sa maubo, umuubo pa ako nang iabot sa kanya lalo na’t hindi ko rin nagustuhan ang amoy nito, nilapit ni Mia ang kamay niya sa ‘kin at pinunasan ang tumulong likido sa labi ko. “Tumuloy ka na sa pentagram,” wika niya saka niya kinuha ang chalice sa ‘kin. Isa-isa sinuot nong mga kasamahan namin doon ang hood ng kanilang cloak kaya dumilim para hindi makita ang mga mukha nila, huminga ako ng malalim, bahagya ring natakot nang sabay-sabay silang nag-chanting, nilakasan ko ang loob ko at saka humiga sa gitna ng malaking pentagram, sa hindi inaasahang pangyayari mas lalong lumakas ang sindi sa mga kandila, napakunot-noo ako nang makita ang nakaguhit sa kisame, mga bituin sa madilim na kalangitan, dahan-dahan silang gumagalaw hanggang sa kumilos sila paikot sa kisame, Inaantok ako nong sinundan ko ang pag-ikot nila hanggang sa lamunin ako ng antok nang sandali… Nakapikit pa rin ang mga mata ko, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo, maraming tao at maingay. Nang idilat ko ang mga mata ko, dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko na hindi ako nagkakamali, napapalibutan ako ng sigawan at ingay sa loob ng isang pulang tent habang nasa harapan nito’y may bilog na stage at pulang kurtina sa likod nito. ‘Paano ako napunta rito? Totoo ba ito? Baka panaginil lang ito---’ ‘Na saan ka ngayon, si Mia ito, binibini,’ nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko sa isip ko si Mia, ‘hindi ito panaginip, napunta ang consciousness mo sa hinahanap natin, nasa isang carnival ka sa bayan.’ ‘Ibig sabihin hindi ito panaginip? Literal akong nagising dito? Hindi ba nila mahahalata, paano ako makakabalik?’ Nag-aalala kong tanong. ‘Hindi nila malalaman kung may ibang nilalang na nakakaintindi at nakasagap ng mahika maliban sa atin. Huwag kang mag-alala makakabalik ka pa rin sa oras na may mangyaring hindi maganda, obserbahan mo lang ang nangyayari sa paligid mo---’ Nawala ang atensyon ko kay Mia nang bumukas ang tela sa stage at nag-umpisa ang nakakakilabot na tugtug na hindi ko maintindihan, lumabas ang isang lalaki na sobrang putla, kulot ang buhok habang nakapatong ang tall hat na itim, nakasuot ng itim na tuxedo na pang magician at may hawak na baston. Nagpalakpakan ang mga manonood, mabata man o matanda. May isa pang lumabas doon, babae na nakasuot ng itim na gown na pang kasal, tagong-tago ang belo niyang itim. Kinuha niya ang kamay ng babae at sumayaw sila doon, maya-maya lang ay hinila niya ang damit nito mula sa likod, nabigla ako nang makitang nakasuot na lamang siya ng itim na pares ng underwear habang naka-boats at belo pa rin. Pinahiga nang lalaking magician ang babae, may kung anong ginagawa siya sa baston niya nang dahan-dahan umaangat ang katawan nong babae, kaya mas lalo kong tinutok ang sarili ko sa babae na sumasayad na ang belo niya sa sahig. Napaisip ako kung totoo ba iyon, kung may tali o ano, ngunit manghang-mangha ang lahat at saka sila nagpalakpakan at hiyawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD