CHAPTER 11

3782 Words

Alas-sais nang umaga nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ko. Nang tingnan ko ang orasan ay alas-sais pa lang ng umaga. “Bakit ba ako ginigising wala naman pasok?” bulong ko. Hindi ko pinansin ang kumakatok sa kuwarto ko. Sa halip, tinakpan ko ang unan ang tenga ko at muli akong natulog. “Maria Sienna!” boses ni Mama ang narinig ko. Pumasok na siya sa kuwarto ko nang hindi ko buksan ang pinto. Hindi ako lumingon at nagkunwari akong tulog. “Maria Sienna, gumising ka na tanghali na!” Halos mabingi ako sa sigaw niya. Humarap ako sa kanya. “Mama, sabado ngayon wala kaming pasok!” inis kong sabi. “Wala nga kayong pasok sa school, pero may practice kayo ng mga ka-grupo mo!” sigaw niya ulit. “Next week pa ang practice namin.” Tinakpan ko ng kumot ang katawan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD