Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang labi ni Dylan. May kung anong kaba at kilabot akong naramdaman. Hayop ka, Monster! Ang first kiss ko, ibibigay ko sana kay Ashley, ninakaw mo! Nag-ipon ako ng lakas upang itulak siya. “Gago!” sabay sampal ko sa mukha niya. Pareho kaming nagulat sa nangyari. Pulang-pula ang mukha ni Dylan, pero ang bilis naman ng t***k ng puso ko. “Y-Yuck!” sabay punas niya ng labi. Dinuro ko siya. “Hoy! Anong yuck?!” sigaw ko sa galit. “Kadiri! Humalik ako sa inidoro.” Tumalikod siya at naglakad pabalik sa classroom namin. “Inidoro?! Hoy! Ang kapal mo naman! Ano’ng akala mo sa akin, sumasalo ng tae?” “Exactly!” Ngumisi pa siya. “Abah! Gago ka!” sinabayan ko siya sa paglalakad. “Hindi ako bad breath!” sigaw ko sa inis. “Shut up! Ang ingay mo!” sigaw n