DYLAN “Good morning, Mom, Dad!” Lumapit ako sa kanila upang humalik sa pisngi bago umupo sa tabi ni Mommy. “How are you feeling?” tanong ni Daddy. “I’m good,” sagot ko. Isang linggo akong nasa ospital, at dalawang araw pa lang ang lumipas mula nang ako’y makalabas. “That’s good to hear. I assume you’re ready to do your task?” Bigla akong nalungkot. Hindi pa rin pala nakakalimutan ni Daddy ang ipinataw niyang parusa sa amin ng mga kaibigan ko. “Dad, can’t I just do my punishment next week?” pakiusap ko sa kanya. Hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy. “Love, pagbigyan mo na si Dylan. Baka mabigla ang katawan niya kung ipipilit nating gawin niya agad ang parusa niya.” “His friends started a week ago. It wouldn’t be fair to them if Dylan didn’t do his punishment,” sagot ni Daddy. “Pe