"Bakit mo ako hinalikan?" masungit na tanong ni Amanda kay Franco. "Bakit?" patay malisya na tanong naman nito. "Nakakainis ka!" "Nabitin ka ba?" natatawang tanong ni Franco. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa lalake. Napangisi naman si Franco at agad pinagdikit ang pagitan nila ni Manda. Dinampian niya ito ng halik. Pinigilan niyang matawa nang muli itong mawalan ng imik. Now, he know how to shut her up. "Franco! Uhm!" Muli siya nitong hinalikan. "Tumigil ka na. Uuwi na tayo," saway ni Franco sa kaniya, pagkatapos siya nitong halikan. Hindi na umimik pa si Amanda. Baka kapag magsalita siya ulit ay muli siya nitong halikan. Baka isipin nito na sinasadya niya iyon para halikan siya ng lalake. Hindi siya makapagreklamo nang iuwi siya ni Franco sa mansyon, imbes na sa bahay