"Hindi mo naman na ako kailangan pang ihatid. Pagod ka sa trabaho mo, dapat dumiretso ka na lang ng uwi para makapagpahinga ka." Sinulyapan siya ni Douglas, bago nito muling binalik ang tingin sa kalsada, habang nagmamaneho. "Para saan ang ngiting iyan?" takang tanong ni Amanda, dahil napakalapad ng ngiti nito sa labi. "Ang sarap lang pakinggan ng sinabi mo," tugon nito saka mahinang humalakhak. Nagsalubong ang kilay ni Amanda. Gusto niyang sabihin na weird ang lalake, pero sa nakikita niya na inaakto nito, kinikilig ito. Ngumiti siya at umiling. "Ang babaw mo pala," komento niya dito. Tinawanan lang siya ni Douglas. "Ang lambing kasi ng boses mo. May kaboses ka, e." "Huh? Sino?" "Kaboses mo ang future girlfriend ko." Inikot ni Amanda ang kaniyang mga mata bago malakas na