Binilin ko si Divine kay Tita Jane. May yaya naman siya pero hindi ako gaanong mapanatag, dahil hindi ako sanay na nalalayo sa akin ang anak ko. "Ako na ang bahala, hija. Saka nandiyan naman ang byenan mo din. I'm sure dadalaw iyon araw-araw upang makasama ang apo niya." "Salamat po, Tita, ha. At pasensya na din po kung—" Hinawakan niya ang kamay ko. "Ano ka ba? We're family. Pamilya tayo." Sobrang bait talaga ni Tita Jane. Ang inaalala ko kasi ay iyong relasyon nilang dalawa ni Mommy Frances, dahil kay Daddy. Pero mukhang ayos lang naman talaga kay Tita. Mukhang naka-move on na siya. Ganoon din si Mommy Frances. Balita ko ay may mga naging boyfriend din ito. Ang gaganda ng kanilang genes. Despite their age, mukha pa din silang mga bata. They age gracefully. Applicable sa kanila i
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books