Tulalang tulala si Ivory habang nakalapat ang kanilang mga labi. Para siyang na-kuryente nang biglang gumalaw ang labi ni Xamuel. Doon siya napaatras dahilan para matapos ang halik. Napalunok siya habang nakatingin kay Xamuel. Para ring nabigla ang lalaki sa nagawa nito. Ilang segundo silang nagkatitigan bago marahas na huminga si Xamuel at tumayo. Naiwang tulala roon si Ivory at wala siyang ibang nagawa kundi sundan ng tingin ang among naglakad palayo. Nang mawala na sa paningin niya ang bulto ni Xamuel ay pabagsak siyang napasandal sa sofa. Napatingin siya sa kanyang tiyan at napaawang ang kanyang mga labi. Hinawakan niya ang umbok doon. She swallowed hard and bit her lip. 'Baby, hinalikan ako ng daddy mo. Hinalikan ako ni Sir Xamuel!' Muli siyang napalunok. Agad niyang naramdaman