Kinabukasan ay weekend. Body clock na yata ni Ivory ang magising nang maaga. Hindi rin naman kasi siya nagpupuyat sa gabi. Kagabi lang ay sobrang sarap ng tulog niya. Wala siyang ginawa kahapon kung hindi manood ng TV at maglaro ng mga board games. Tinuruan kasi siya ni Xamuel. Maghapon silang naglalaro ni Xamuel kahapon. Nagpapasalamat siya at hindi na nga sila naging awkward. Pag may inaasikaso si Xamuel sa opisina iyong ibang mga batang maid naman ang niyayaya niyang maglaro. Game na game naman ang mga iyon. Kaya rin ang sarap ng tulog niya dahil sobrnag saya niya buong araw. Naaliw siya nang todo sa mga board games na nakalimutan niyang i-text si Jasmin para kumustahin. Tiningnan niya ang sarili sa full body mirror ng kanyang cr. Nakasuot siya ng isang sundress para presko lang at