LEO Hindi ako makapaniwala sa narinig at nalaman ko. Paano nalaman ni Yaya Maria ang tungkol dito at hindi n'ya sinabi sa amin ang mahalagang impormasyon na ito sa loob ng mahabang panahon. "Paanong nangyari ang lahat ng ito ninong? Alam ba ni daddy ang tungkol dito? Anong kaugnayan ni Yaya Maria kay Lester Macaraig?" magkasunod na tanong ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng Ninong arth bago sumagot sa tanong ko. "Actually, kahit kami ay hindi rin makapaniwala. Hindi namin alam na ang taong may alam ng katotohanan sa likod ng pagkatao ng mga anak ko ay nasa poder n'yo. Kung hindi nagsimulang mag-imbestiga si Andrew ay hindi lalabas ang lahat ng mga ito. Ang Yaya Maria n'yo ang dating leave-in partner ni Macaraig. Narinig niya ang usapan at plano noon ni Lester kaya