LEO Tulad ng nakaraang taon ay nagpamisa ang pamilya namin ni Yara para sa ika-dalawang taon ng pagkamatay nito. Kasama ang mga mahal namin sa buhay ay pumunta kaming lahat sa puntod ng asawa ko. Dahil aware na ako ngayon sa paligid ay naging matalas ang mga mata at pakiramdam ko. Hindi nakaligtas sa akin ang lalaking nagtatabas ng damo at ang isang lalaki na nagtitinda ng kandila. May ilan pa akong napansin na mga taong familiar sa akin. Mga kalalakihan na nakasunod sa bawat punta ko dito at nagmamasid. Kung sino man sila ay alam ko na may kaugnayan ang mga ito sa amin. Pakunwari na hindi ko pinansin ang mga ito pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang palitan ng sulyap ng mga lalaking pinagmamasdan ko. Matapos ang halos kalahating araw na pananatili namin sa harap ng puntod ni Yara