Kabanata 26 Sa tuwing naalala ni Zach ang mga sinabi sa kanya ni Ellory nang magkausap sila sa presinto, para bang nagsasabi ng totoo si Ellory pero hindi pa rin niya maiwasang magtaka at magtanong sa mga sinabi nito. “Kahit na kailan wala akong naging kapatid, wala akong naging kapatid na mamamatay tao, kahit na anong sabihin ninyo o itanong ninyo tungkol sa pagpatay, na ako ang salarin, sasabihin at sasabihin ko pa rin na hindi ako ang may gawa n’un, hindi ko kayang manakit ng ibang tao, hindi ko kayang patayin ang kaibigan mo.” “Hindi mo makikita ang tunay na katotohanan sa likod ng isang mukha kong palagi ka lang nakatingin sa harapan mo at hindi mo nililibot ang paningin mo sa lahat, maniwala ka sa akin hindi ako ang killer, may gumagamit ng mukha ko at para matakpan ang ginagawa n