Kabanata 27 February 2009… Simula ng maitayo ang CAB, isa-isa ko na rin nakilala ang sarili ko, simula nang makilala ko an rin ang tunay kong mga magulang. Ang sabi nila nagmula raw ako sa pamilya kong saan bumubuo ng isang kulto, sa una hindi ako naniniwala, hanggang sa makilala ko sila, hindi nagkakamali ang mga taong nakilala ko, tama nga sila, na kabilang nga sa isang kulto ang mga magulang ko, ay hindi, ang buong angkan na pinagmulan ko. Wala sa akin kong kasapi man sila sa isang kulto, pero isang hiling ang gusto nilang mangyari simula ng makita nila ako, ang isunod sa akin at ibigay ang kaalaman nila. Sa una’y natakot ako, may pamilya na ako at nasa tamang edad, matatanda na rin ang mga magulang ko, ngayon ko na lang sila nakita, ito na lang ang huling hiling na maibibigay ko sa