Chapter 102 "Ang tingin ay dapat deretso lang. Oras na may kalaban kang nakaharap ay hindi ka dapat mag-alinlangan sa pagkalabit. It's either ikaw ang maunang kumalabit ng gatilyo or ang kalaban mo. Pwedeng ikaw ang makapagtumba ng kalaban o ikaw ang maitumba nila. For your protection ito, Bituin. Hindi ka naman lalabas ng bahay para lang mamaril na lang basta. Gamitin mo ang lahat ng mga matututunan mo sa mga kalaban mo." Seryosong ani ni Lily. Humigpit pa nga ang hawak ko. Mariing tumitig sa target. Ngayon ay mukha ni Fely. Sa sobrang amo ay hindi mo talaga maiisipang possible na involve siya sa aksidenteng kinasangkutan ng pamilya ko. Pero habang tumatagal na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Rosally ay unti-unting tumitibay sa isipan ko na wala nga talaga sa mukha iyon. Wala