Chapter 101 Nailibing si Rosally. Kaninang nagpapaalam si Bituin ay nawalan pa ito ng malay mabuti na lang at nasalo ko agad ito. Ngayon ay nasa kwarto ito. Iyong ilang araw na puyat nito ay ngayon ay nagwagi na at iginupo na siya ng antok. "Hinintay ko lang talagang mailibing si Rosally, Boss Quiran." Sabay abot ng tablet nito sa akin. Nang pindutin ko ay tumambad ang mukha ng isang lalaki na may kung anong nakatahi sa noo nito. Nang in-zoom ko iyon ay nakita kong ari ng lalaki. "Disgusting!" inis na ani ko sa babae. May pagkababoy talaga ang isang ito. "Trinabaho ko iyan. Inutusan ako ni Lily." Tugon ng babae na cool na cool lang. "At sinunod mo kahit nakakadiri?" pikon na ani ko. Ganitong wala pa akong maayos na tulog ay hindi ko makuhang sakyan ang mga kalokohan ng babaeng ito