Chapter Ninety-eight "Rosally, paano na si ate?" iyon ang tanong ko habang nakasalampak ako sa sahig ng morgue, hawak ko ang kamay ng kapatid ko. Walang ibang tao rito kung 'di ako lang at si Rosally. Malinis naman ang lugar. Pero kahit pa siguro marumi ay hindi na issue sa akin iyon. Kanina pa ako umiiyak. Kanina ko pa sinusubukan gisingin si Rosally na akala mo'y natutulog lang ito. "Be, love-love mo si ate 'di ba? Huwag mo akong iwan, please! Sige na, Rosally. Huwag mong iwan si ate. Hindi ko kaya, eh. Ang tagal nating lumaban nang magkasama. Bakit ngayon bumitaw ka? Bakit, Rosally? Bakit kailangan ikaw pa? Bakit hindi na lang ako? Gusto ko pang makita mo ang ganda ng mundo. Please, be! Parang awa mo na. Gising ka d'yan. Please. Please." Iyak ko. Saka bumagsak ang tingin ko sa hawak ko