Chapter Ninety-nine Quiran Mcfline Maingay ang paligid. Hindi rin nagpapatalo ang mga tauhan ng kabilang panig. Sobrang dami rin nila. Pero mas nakalalamang kami dahil kontrolado namin ang CCTV ng buong lugar. Nakikita ng mga nagmo-monitor kung saan nakapwesto ang mga kalaban, sila ang mata namin. Kung nasaan ang pwesto ng mga target ay itinuturo nila iyon sa amin. "Deretso." Utos ng babaeng nasa kabilang linya. Kami ang papasok sa pinakasentro ng compound na ito. Doon sa area kung saan ay walang CCTV. Naroon ang target namin. Naroon ang ama ni Fely. Bahagya kaming yumuko, nang hindi maging sapat iyon ay halos gumapang na kami. Madali lang naman ito, hindi simpleng larong pambata ang ginagawa namin sa tuwing tinuturuan kami ni Mommy Quinn. Training talaga dahil ayon sa kanya ay