HINDI naituloy ni Ezekiel ang akmang pagpasok sa loob ng silid ni Janicah nang sa pagpihit niya pabukas sa pinto ay marinig niya ang boses ni Emerald buhat sa loob. Kumakanta ito. Binitiwan niya ang door knob at hindi muna itinuloy ang akmang pagpasok sa loob at pinakinggan muna ang pagkanta ng kaniyang anak. Ayaw niyang magambala ito sa pagkanta nito. Ramdam niya sa awitin ni Emerald ang pagka-miss nito sa ina nito. Napahinto sa pagkanta si Emerald. “Mama, okay ka lang po?” ani Emerald kay Janicah. “Yes, baby. Ituloy mo lang. Okay lang si mama.” Huminga muna nang malalim si Emerald bago nito itinuloy ang pagkanta sa awiting, Sa Ugoy Ng Duyan. Nang matapos si Emerald sa pagkanta nito at marinig ang pagpalakpak buhat sa loob ay saka lamang natinag si Ezekiel sa kinatatayuan. Saka lan

