HABOL ni Janicah ang paghinga nang mapabangon siya buhat sa pagkakahiga. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nang masiguro na nasa silid niya siya ay nasapo niya ang kaniyang ulo. Naalimpungatan naman si Ezekiel sa tabi niya at napabangon din nang makita siya sa ganoong ayos. “What’s wrong?” “H-hubby,” aniya na agad yumakap dito. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at mariing pumikit. Nanaginip na naman siya. Sa panaginip niya, nagising siya mula sa pagkakatulog sa isang bahay na yari sa pawid ang bubungan at yari naman sa sawali ang mga dingding. Ang silid na kinaroroonan niya ay yari sa kawayan ang sahig. Ganoon din ang papag na siyang kinahihigaan niya sa kaniyang panaginip. May nakita pa siyang matandang babae na hindi malinaw sa kaniya ang hitsura. Ikinuwento niya kay Ezekie

