“WOW! Ang dami na, hubby,” nasisiyahang bulalas ni Janicah nang makita ang laman ng timba na siyang pinaglalagyan ng mga nahuhuling isda. Araw iyon ng Sabado at nasa may palaisdaan sila ng kanilang pamilya ni Ezekiel. Nang mga sandaling iyon ay abala sa pamimingwit ang kaniyang mag-aama. Nakaalalay naman si Ernesto kay Emerald. Habang si Ezekiel ay katabi si AJ. Nasa likuran naman ng mga ito ang anak ng kaniyang mga kapatid. Nag-che-cheer sa kambal at kung minsan ay tumutulong sa pag-angat ng isda mula sa tubig. Ang mga hagikhik ng mga bata ay kay sarap sa taingang pakinggan lalo na kapag may kumagat na sa pain ng mga ito. “Tama na ang mga nahuli ninyo,” ani Papa Michael na tiningnan ang mga timba na may lamang isda. “Baka mapurga tayo nito sa isda,” nangingiti pa nitong biro. “Lolo Mi

