“MAGKIKITA na kayo ni mama, Kieran. Are you excited?” may ngiti sa labing tanong ni Ezekiel sa kaniyang anak na bunso. Busy si Janicah sa therapy nito kaya nagpaalam siya rito na sasaglit lang muna sa mansiyon. At heto nga siya ngayon, nilalaro-laro ang kaniyang anak na si Kieran. “Mama?” bigkas pa ni Kieran na mula sa nilalarong robot na maliit ay nagbaling ng tingin sa kaniya. Tumango siya. “Very soon, baby.” “Mama!” Ginulo niya ang buhok ng kaniyang anak. Bukas ay ang itinakda niyang araw para sa pag-amin niya kay Janicah tungkol sa totoong estado ng paligid nito ngayon. Na hindi iyon katulad ng iniisip nito. Na ang totoo ay dalawang taong mahigit na ang matuling lumipas. Alam niya mahihirapan si Janicah sa pagtanggap ng katotohanan pero kailangan na rin nito iyong malaman. It’s

