Chapter 116

2225 Words

HINDI agad magawang dalawin ng antok si Ezekiel nang gabing iyon. Iyon ang unang gabi na makakatabi ni Kieran ang ina nito sa pagtulog. At ng mga sandaling iyon ay nakasiksik pa si Kieran kay Janicah. Para bang takot maiwan na naman ng ina nito. Tulog na rin si Janicah. Habang siya ay gising na gising pa. Isang magandang tanawin ang kaniyang nakikita. To the point na hindi niya magawang makatulog agad. Umangat ang isa niyang kamay para haplusin ang buhok ng bunsong anak nila ni Janicah na si Kieran. Hindi na ito naaalimpungatan pa. Mukhang malalim na talaga ang tulog ni Kieran. Sunod niyon ay lumipat naman ang tingin ni Ezekiel kay Janicah. Hinaplos naman niya nang marahan ang pisngi ng kaniyang asawa. “Wife,” anas niya. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na makaalala agad, ha?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD