NANG mapatulog ni Janicah si Kieran sa kama, sa silid nila ni Ezekiel ay minabuti muna niyang bumaba mula sa kama. Nilagyan pa niya ng unan sa tigkabilang side si Kieran para masiguro na hindi ito mahuhulog sa kama kapag naglikot ito sa pagkakatulog. Wala naman siyang gagawin kaya naisipan niyang manood muna sa TV na nasa loob lang din ng silid nilang mag-asawa. Kinuha niya ang remote control na nakapatong lang din sa pahabang cabinet na kulay puti. Mababa lang ang taas ng cabinet na sadyang patungan ng malaking flat screen TV. Pagpindot niya sa power on button ng TV ay natigilan pa siya nang bumalandra sa kaniyang paningin ang kaniyang mukha. Kumunot ang noo niya. Nakasuot siya roon ng wedding gown. Bigla ay may kung anong hatid sa kaniya ang nakita. Pumunta siya sa may kama at naupo

