“WIFE, pisilin mo nga ang pisngi ko.” Bahagyang tiningala ni Janicah ang mukha ng kaniyang asawa. Nakayakap siya rito habang magkatabi silang nakahiga sa kanilang kama. Kapwa walang saplot sa katawan at nababalutan lamang ng kumot. Nakaunan din siya sa may braso nito. Habang ang isa nitong kamay ay nakayakap din sa kaniya. “Bakit ko naman pipisilin ang pisngi mo, hubby?” “‘Yong nangyari kasi sa atin… it’s like surreal, wife. I’m not asking you to do it, pero ginawa mo pa rin,” tukoy pa nito sa mapangahas niyang aksiyon kanina. Napangiti siya. “Mag-iisip lang kasi ako kung ano ba ang pakiramdam na gawin ang ganoon sa iyo, hubby. Sabi mo, ginawa ko ‘yon noon sa iyo.” “Kaya inulit mo naman ngayon?” “Hmmm. Para hindi na ako clueless. Bakit pa ako mag-iisip kung puwede ko namang gawin? Hi

