Kabanata 15

1875 Words

Nakipaglaro si Yana ng paper dolls kay Siena. Magiliw ang bata at gustong-gusto na kinakausap niya. Kawangis ito ni Marie, kuhang-kuha ang hugis ng mukha at mapupungay na mga mata. Mukha itong isang batang anghel sa paningin niya. Hindi mapigilan ni Yana na hindi maluha habang nakatitig siya rito. Ang Mommy nito ang walang awang umapi at nanapak sa kanyang pagkatao. "Yaya Ganda?" Tumingin si Siena sa kanya at pinahid ng maliliit nitong mga pala ang kanyang mga pisngi na may luha. "Napuwing lang ako, Siena. Talaga bang maganda ako sa paningin mo?" pilit ngiting sambit niya rito. Sunod-sunod naman ito na tumango at niyakap pa siya. "I... love.. you, Yaya Ganda," dahan-dahan na sabi ni Siena. Unang araw pa lamang niyang Yaya nito ay nakakapagsalita na ito kaagad ng ilang mga pangungusap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD