“Kailangan pa ba talagang sumama ka sa amin?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Acer habang nakasakay sila ng kotse nito. “Hindi ka ba p‘wedeng magpahinga na lamang muna?” muling sabi pa ni Acer sa kanya. Umiling si Yana at tumingin sa police station kung saan isinasakay sa police mobile ang kanyang Tita Olga at si Aling Flores. Ililipat na ang mga ito sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. “Kahit na napanagot na sila sa mga kasalanan nila sa iyo at sa akin. Gusto ko pa ring makita si Tita Olga. Gusto ko pa rin siyang makausap sa huling pagkakataon. Hayaan mo na lang sana ako buddy.” Malungkot na tumingin siya rito. Bumuga naman ng malalim si Acer at saka pinaandar na ang sasakyan nito. Sumunod sila sa police mobile. At habang tinatahak nila ang daan ay napapaiyak si Yana. Masaya siya ngun

