BINUHAT ni Acer si Yana at dinala sa kama. Ipinikit naman nito ang mga mata habang nakayakap sa may batok niya. Napangiti si Acer sa ginawa ni Yana. Gusto niyang angkinin ito… ngayon. Ngunit hindi pa rin niya gagawin kahit na init na init na siya. Hindi pa rin niya babaliin ang ipinangako niya rito. Gusto niyang iharap si Yana sa altar na malinis. Gusto niyang ipakita kung gaano niya ito kamahal. At magsisimula iyon sa kanyang pagtitiis… sa kanyang pagtitimpi sa kanyang sarili. Hinagkan niya ang mga labi ni Yana at saka niya hinila ang kumot para ipantakip sa katawan nito. “Matulog ka na,” nakangiting sabi niya rito. “Ha?” gulat naman na tanong nito sa kanya. Pinamulaan pa ito ng magkabilang pisngi. “Akala ko pa naman…” “Itulog mo na lang iyan at maaga pa tayong uuwi bukas. Hinahanap

