BUMUGA nang malalim si Yana bago pumasok sa loob ng bahay ni Calvin. Pilit niyang iniiwasan si Acer pero nandito naman siya ngayon sa subdivision kung saan ito nakatira. Mahal na mahal niya si Acer ngunit hindi niya ito kayang mahalin ng buo dahil nangako siya sa kanyang ama na hindi siya gagawa ng dahilan para magkasira sila nang tuluyan ng kanyang kapatid. Lalo na’t ipinagtapat sa kanya ni Femie na buntis ito at si Acer ang ama. Hindi pa siya sigurado kung totoo nga iyon ngunit gusto niyang ilayo ang sarili kay Acer dahil sa tingin niya ay iyon ang tama. Labis siyang nasaktan nang aminin iyon sa kanya ni Femie ngunit wala siyang magawa kun’di tanggapin na lang ang totoo. Itinuon na lamang ni Yana ang sarili sa pag-aaral. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa online Alternative Learning Syst

