SINALUBONG ni Yana ang kanyang kapatid na bagong dating sa may garden kung saan ito naroon kasama ng mga maaarte nitong mga kaibigan. Kahit na buntis ito ay sexy pa rin ito manamit. Dalawang buwan pa lamang ang tiyan nito pero halata na ang pagkabilog. “Kumusta na ang pag-aaral mo, Yana?” nakangiting tanong nito sa kanya. Sandali nitong iniwan ang mga kaibigan na naroon sa may harap ng catering at kumukuha ng mga pagkain. Kilala ni Yana ang mga iyon, sina Angel at Kate. “Mabuti naman ate. Ikaw, kumusta ang pagbubuntis mo?” tanong niya na nakatingin sa umuumbok nitong puson. “Maayos naman,” sagot nito at saka hinimas ang tiyan. “Totoo ba ang sinabi ni daddy na iniwasan mo na talaga si Acer?” Tumango si Yana rito at iniwasan ang mga mapanuring mga mata ng kapatid. Bumuga siya nang malali

