Nakatingin si Acer kay Yang habang ginagamot ang sugat sa kanyang mga labi. Walang ekspresyon ang mukha nito at seryosong-seryoso sa ginagawa. Ipinagtapat na niya ang kanyang nararamdaman dito ngunit alam niyang hindi nito pinapaniwalaan iyon dahil binawi rin niya. Hindi niya alam kung ano ba talagang mayroon si Yang. Nagseselos siya ng wala sa lugar. Naiinis siya kay Calvin, naiinis din siya kay Carlo, at mas lalo siyang naiinis sa kanyang sarili. Tumingin si Yang sa kanya. "Okay na. Hindi na iyan dudugo pa, sir." Inayos nito ang first aid kit na nakalagay sa medicine box. "Maaga pa naman kaya p'wede pa tayong matulog," sabi nito sa kanya bago tumayo at talikuran siya. Hinawakan ni Acer ang kamay ni Yang. Nakakunot ang noo na nilingon siya nito. "Sir?" Binitawan din kaagad niya iyon