NAPANGISI na lamang si Acer sa inasta ni Yana. Kanina habang hinahanap niya ang mga gamit ni Marie ay may nakita siyang larawan ni Yang. Natatandaan na niya na twenty one years old pa lamang ito nang mamasukan bilang katulong nila. Kaagad na naging malapit si Marie dito at ang larawan na hawak niya ay ang unang pasko na kasama nila si Yana sa kanilang pamilya. Mahigpit na hinawakan iyon ni Acer. Hindi nga siya nagkamali. Si Yang at si Yana ay iisa, ngunit iba ang pangalan na ibinigay nito sa kanya. Si Esmeralda Natividad Arelyano ay matagal ng patay. Galit ang naramdaman ni Acer nang mapagtanto niyang pinapaikot lamang siya ni Yana. Hindi nga nagkataon ang lahat kun'di plinano nito ang lahat ng iyon. Alam ni Acer na na alam din iyon ni Lolo Antonio. Maliban sa documents na ibinigay nit