Malakas pa rin hanggang ngayon ang pagtibok ng puso ni Yana. Sa tuwing nakikita niya ito bigla na lamang siyang natataranta. Hindi niya dapat ipahalata dito na naapektuhan siya sa halik nito. Bumuga siya nang malalim habang nakatingin kay Acer. Halik lang iyon, Yana! "Good evening, sir," nakangiting pagbati niya rito. Hi, good evening too," sabi nito bago pumasok sa loob ng bahay. Isinara niya ang main door at saka binalingan si Acer na paakyat na ng hagdan. Pagkatapos siya nitong halikan bigla na lamang siya nitong babalewalahin. Tsk, iniisip marahil nito na naapektuhan siya sa halik nito. Unang beses niyang mahalikan ng isang lalaki. At ang nakakainis si Acer pa ang taong iyon na wala namang ambag sa buhay niya kun'di pasakit. Nagtungo siya sa back door ng bahay ni Acer at saka nag